Posts

Showing posts from April, 2022

Mga Hakbang sa Siyentipikong Pamamaraan

Image
 

Neolohismo: Ebolusyon ng WIka

          Sa paglipas ng panahon, napakalaki na ng pagbabagong pang-ekonomiya, pang-industriya at sa lahat ng aspeto ng komunidad. Gayun na din ang pagbabago sa wika. Sa kasalukuyan, nagiging makabago na ang wika. Ang neolohismo ay ang pagbabagong nagaganap sa wika, pananalita, pagbibigkas o pagsulat man. Ito ay ang paglikha ng bagong salita o bagong kahulugan. Ayon sa pag-aaral ni Caron (2019), lubos na nakakatulong ang salitang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto. Ngunit, sa piling lugar lamang ito sapagkat hindi lahat ay kayang makuha ang pagbabagong dulot ng neolohismo. Ito ay mahalaga sapagkat nabibigyang pagkakaton ang edukasyon na sumabay sa pagbabago at globalisasyon.                Ayon sa organisasyong Panitikan (2019), mahalagang bahagi ng buhay ang wika dahil dito nabubuo ang mas mabisang unawaan ng mga tao. Kasabay ng modernisasyon ng mundo ay ang pagbabagong ganap ng wikang gamit sa edukasyon dahil s...

Sa pagitan ng Labanan ng Bansa

     Napakatagal nang panahon na pinagtitibay ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa. Sa kasalukuyan, ang nagaganap na hidwaan at gera ng Ukraine laban sa Russia ay isang representasyon ng paglabag sa kapayapaan ng mundo. Ang pagkakaroon ng hidwaan ng mga pinuno ay hindi dapat magdulot ng kasiraan sa kanilang nasasakupan. Maging ang pananakop ay hindi na napapanahon matapos magkaroon ng union ang bawat bansa sa buong mundo.      Bilang isang mamamayan, tuwing napag-uusapan ang pagkakaroon ng gyera at pananakop, ang nauunang pumapasok sa isipan ay ang kapakanan ng mga mamamayan sa bansa. Napakalaki ng naidudulot na pinsala ng mga palitan ng bala at bomba. Bilang lider ng isang bansa, kapayapaan at kapakanan ng kanilang nasasakupan ang nararapat na prayoridad ng isang pinuno. Ang nangyayaring hidwaan sa Ukraine at Russia ngayon ay hindi lamang nakakaapekto sa pagitan ng dalawang bansa, gayun na din sa buong mundo. Mayroong napakalaking pagbabago sa mga prod...

Kinabukasan ng Kabataan, Tayo ang Aasahan

  Paksa: Kabataan I.       Katayuan ng Kabataan sa Lipunan - sino ang kabataan -   ano ang pusisyon sa kasalukuyan -   bakit ang kabataan II.     Sistemang Napapanahon para sa Kabataan -   sistemang sinusundan ng kabataan -   ano ang inaasahan sa kanila -   ano ang pag asang dala nila III.   Kaunlaran ng Pang-unawa ng Makabagong Pag-asa ng Bayan -   Kaukulan ng kabataan sa hinaharap -   kanilang paniniwala -   ano ang tunay na pag asa   “Ikaw ang pag-asa namin”, “Ikaw ang mag-aahon sa atin sa kahirapan”, “Kayong mga bata ang magmamana ng mga responsibilidad”. Ilan lamang ito sa mga katagang paulit-ulit nang naririnig ng kabataan. Mga katagang nakadaragdag ng kaba sa dibdib, kabang dulot ng mga pasaning dadalhin sa pagdating ng mga panahon. Sino nga ba ang kabataan? Handa na ba sila sa ganitong responsibilidad? Ang mga kabataan ay isang malaking parte ng lipunan. Sila an...

Salabid sa Langit

  Salabid sa Langit   Napapanahon na naman ang halalan,  Lumalapit na naman sa mamamayan. Ninanais na sila ay mapagbigyan, Sa pag-upo't pamamahala sa bayan. Ngunit salabid sa langit ay kagaya,  Napakagulo ng ating pulitika. Ang alambre ng kuryente sa itaas, Walang makapag-aayos, walang lunas. Taling salabid sa langit ang pag-upo, Mayrong koneksyon ngunit napakagulo. Gumagawa ngunit may mali rin dito. Hindi maayos kung di tututukan to.

Ang Alegorya ng Yungib

Image
    Bahagi ng akdang binasa Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak.         Mayroong dalawang dahilan ng pagkalito ng mga tao sa kanilang pananaw sa buhay, maaaring masasabing ito ay mula sa paglabas o patungo sa liwanag. Dito maaaring ipakita na ang sinuman ay maaaring tumingin sa kaniyang nakaraan o sa kaniyang hinaharap.   Sa larawang ito, maipapakita ang kaugnayan ng bawat aspeto sa isang tao. Ang sinuman ay may pagkakataong mag-isip ng kaniyang panloob na kaugnayan at ng kaniyang mga nanaisin pang alamin sa kaniy...

Pagsasaling Wika

  Review of Related Literature According to Wikipedia (2013), academic performance is the outcome of education; it is the extent to which a student, teacher or institution has achieved their educational goals. Thus performance is characterised by performance on tests associated with coursework and the performance of students on other types of examinations (Kyoshaba, 2009). Various studies have been carried out on the factors that affect students’ academic performance or achievement in schools, colleges and universities. Some of the factors identified and reported to have affected the academic performance of students in these different settings are: student effort, previous or prior educational performance, self-motivation, the social-economic status of the students’ parents, the students’ age, number of hours of study per day, admission points, different entry qualifications, tuition trends and the students’ area of residence (rural or urban) (Farooq, Chaudry, Shafiq & Ber...

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-aaral ng mga Estudyante

Image
       Makikita sa unang talahayan ang pie graph na naglalaman ng kasarian ng mga Kalahok/Impormants. Batay dito pantay lamang ang bilang ng lalake at babae na mayroong tig-45 bilang.      Sa ikalawa namang talahayan ay Ipinapakita sa bar graph ang porsyento ng mga disiplina – Math, Science, English, Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa pagkatao, MAPEH, at ang TLE. Makikitang ang nakakuha ng pinakamalaking porsyento ay ang MAPEH na mayroong 77.788% at ang pinakamababa naman ay ang Math na mayroong 68.543%.      Sa kabilang banda, makikita sa huling talahayan ang line graph na naglalaman ng mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga Kalahok/Impormants. Ipinapakita na ang mayroong pinakamataas na mean ay ang Kawalan ng Internet Connection (4.59) at ang nakakuha naman ng pinakamababa ay ang Pagkakaroon ng malubhang sakit (1.54).

Repleksyong sa Tulang Makabayan

Image
  Matapos mabasa ang tulang ito, ang unang pumasok sa isipin ko ay ang pagtatanggol ng isang katutubong Pilipino sa ating bayan noong panahon ng pananakop. Ang mga dayuhan na nagnais ng iba’t-ibang produkto ng bansa ay hinayaan nilang makapasok at makuha ang kanilang mga nais. Ngunit ang pagtatangkang sakupin ang ating bayan ay isang bagay na hindi na mapagbibigyan ng isang tunay na Pilipino. Ang kanilang katapatan at pagmamahal sa bayan ang nagsulong sa kanila upang ipaglaban kung ano ang dapat ay sa atin.