Neolohismo: Ebolusyon ng WIka

        Sa paglipas ng panahon, napakalaki na ng pagbabagong pang-ekonomiya, pang-industriya at sa lahat ng aspeto ng komunidad. Gayun na din ang pagbabago sa wika. Sa kasalukuyan, nagiging makabago na ang wika. Ang neolohismo ay ang pagbabagong nagaganap sa wika, pananalita, pagbibigkas o pagsulat man. Ito ay ang paglikha ng bagong salita o bagong kahulugan. Ayon sa pag-aaral ni Caron (2019), lubos na nakakatulong ang salitang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto. Ngunit, sa piling lugar lamang ito sapagkat hindi lahat ay kayang makuha ang pagbabagong dulot ng neolohismo. Ito ay mahalaga sapagkat nabibigyang pagkakaton ang edukasyon na sumabay sa pagbabago at globalisasyon. 

         Ayon sa organisasyong Panitikan (2019), mahalagang bahagi ng buhay ang wika dahil dito nabubuo ang mas mabisang unawaan ng mga tao. Kasabay ng modernisasyon ng mundo ay ang pagbabagong ganap ng wikang gamit sa edukasyon dahil sa neolohismo. Bagama’t marami ang may kagustuhan ng pagbabagong ito, mayroon pa ring suliraning kinakaharap. Marami pa rin ang hindi ninanais na maapektuhan ng neolohismo ang edukasyon dahil hindi sila pamilyar dito. Sa paglipas ng isang tiyak na tagal ng panahon, ang mga neolohismo ay maaaring ganap na mapangasiwaan ng wika at itigil na maging neolohismo, maging ordinaryong mga salita ng pangunahing paglalaanan ng wika, Ik-Ptz, (2022).  Sa kabila rin ng epekto nito sa edukasyon, gayo na rin sa pampanitikan. Ayon kay Poix (2018), 

“Deviation from linguistic norms often implies that writers can take liberties with  word formation, thus neology in literary context should be address specifically”.

Bagama’t makabago na ang panahon, dapat pa ring pinag-iisipan ang pagkakaroon ng pagbabago gaya ng aspeto ng kultura. Maaaring hindi ito angkop at maaaring kailangan pa ring pag-aralan. Kaya’t sa parehong aspeto ng literatura at edukasyon, dapat pa ring iangkop ang neolohismo.

            Sa kabuuan, ang pagkakaroon ng pagbabago, maging sa ating wika, ay mayroon pa ring magandang dulot kung magagamit ng maayos ang neolohismo. Napakahalagang parte ng edukasyon sa buhay. Ayon kay Lloyd (2017), ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan. Ang paraan ng pagtuturo nito ay isang proseso na dapat bigyang pansin. 

 




Caron, J. D., (2019). Epekto ng Neolohismo sa Akademikong Pagganap. Isinangguni mula sa https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/9747

 

                Panitikan           (2019).           Kahalagahan            ng           Wika.            Isinangguni            mula           sa

https://www.panitikan.com.ph/kahalagahan-ng-wika

 

Ik-ptz.ru (2022, April 1). Mga neologismo at ang kanilang papel sa wika. Nakuha noong April 1, 2022, 3:42PM https://ik-ptz.ru/tl/fizika/chto-vy-ponimaete-pod-terminom-neologizmy-neologizmy-i-ihrol-v.html

 

Poix, C., (2018). Neology in children’s literature: A typology of occasionalisms. Sinangguni mula sa https://journals.openedition.org/lexis/2111

                 

                Lloyd,       J.,        (2017)       Ang        Kahalagahan       ng       Edukasyon.       Isinangguni       mula       sa

https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-kahalagahan-ng-edukasyon-sanaysay.html?m=1

 

Comments

Popular posts from this blog

Sa pagitan ng Labanan ng Bansa

Pagsasaling Wika