Neolohismo: Ebolusyon ng WIka
Sa paglipas ng panahon, napakalaki na ng pagbabagong pang-ekonomiya, pang-industriya at sa lahat ng aspeto ng komunidad. Gayun na din ang pagbabago sa wika. Sa kasalukuyan, nagiging makabago na ang wika. Ang neolohismo ay ang pagbabagong nagaganap sa wika, pananalita, pagbibigkas o pagsulat man. Ito ay ang paglikha ng bagong salita o bagong kahulugan. Ayon sa pag-aaral ni Caron (2019), lubos na nakakatulong ang salitang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto. Ngunit, sa piling lugar lamang ito sapagkat hindi lahat ay kayang makuha ang pagbabagong dulot ng neolohismo. Ito ay mahalaga sapagkat nabibigyang pagkakaton ang edukasyon na sumabay sa pagbabago at globalisasyon. Ayon sa organisasyong Panitikan (2019), mahalagang bahagi ng buhay ang wika dahil dito nabubuo ang mas mabisang unawaan ng mga tao. Kasabay ng modernisasyon ng mundo ay ang pagbabagong ganap ng wikang gamit sa edukasyon dahil s...
Comments
Post a Comment