Sa pagitan ng Labanan ng Bansa
Napakatagal nang panahon na pinagtitibay ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansa. Sa kasalukuyan, ang nagaganap na hidwaan at gera ng Ukraine laban sa Russia ay isang representasyon ng paglabag sa kapayapaan ng mundo. Ang pagkakaroon ng hidwaan ng mga pinuno ay hindi dapat magdulot ng kasiraan sa kanilang nasasakupan. Maging ang pananakop ay hindi na napapanahon matapos magkaroon ng union ang bawat bansa sa buong mundo.
Bilang isang mamamayan, tuwing napag-uusapan ang pagkakaroon ng gyera at pananakop, ang nauunang pumapasok sa isipan ay ang kapakanan ng mga mamamayan sa bansa. Napakalaki ng naidudulot na pinsala ng mga palitan ng bala at bomba. Bilang lider ng isang bansa, kapayapaan at kapakanan ng kanilang nasasakupan ang nararapat na prayoridad ng isang pinuno. Ang nangyayaring hidwaan sa Ukraine at Russia ngayon ay hindi lamang nakakaapekto sa pagitan ng dalawang bansa, gayun na din sa buong mundo. Mayroong napakalaking pagbabago sa mga produkto, usapang industriya, at komersyo. Sa usapang inhinyero, napakalaki rin ng epekto ng nangyayaring sagutan ng Russia at Ukraine. Una, pagdating sa mga produktong pang-industriya, napakataas ng itinaas na presyo na nagresulta ng implasyon sa iba pang produkto. Ayon sa ulat ni Punongbayan (2022), ang Russia ay isa sa pinakamalaking ‘oil exporter’ sa mundo, humigit kumulang apat hanggang limang milyong bariles ang kanilang isinusuplay na langis sa buong mundo. Dahil sa pananakop na ito, napakalaki ng itinaas ng presyo nito na naging dahilan rin ng ‘oil price hike’ sa bansa. Ito na rin ay dahil sa mga parusang ibinibigay sa Russia nang dahil sa kanilang pananakop. Hindi lamang sa langis, gayun na din ang pagtaas ng mga produktong pang-industriya sa bansa. Ang presyo ng bakal, ‘fuel’, at iba pa ay inaasahang tataas. Napakalaki ng pagbabagong ito sa kalagayan ng aspetong inhinyero at industriya. Bagama’t ito ay alitan lamang ng dalawang bansa, ang epekto nito ay napakalaki na sa buong mundo.
Bagama’t napakalaki na ng problemang ito, tila
hindi natitinag ang Russia sa pananakop sa bansang Ukraine. Ang solusyong
ninanais ng lahat ay ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa, gayun na din
ang kapayapaang dulot nito sa buong mundo. Ito ay sapagkat hindi lamang ang
kanilang nasasakupan ang naapektuhan, pati na rin ang iba’t-ibang aspetong
pangkalakalan at pang-industriya ng mundo..
Comments
Post a Comment