Kinabukasan ng Kabataan, Tayo ang Aasahan

 

Paksa: Kabataan

I.      Katayuan ng Kabataan sa Lipunan - sino ang kabataan

-  ano ang pusisyon sa kasalukuyan

-  bakit ang kabataan

II.    Sistemang Napapanahon para sa Kabataan

-  sistemang sinusundan ng kabataan

-  ano ang inaasahan sa kanila

-  ano ang pag asang dala nila

III.  Kaunlaran ng Pang-unawa ng Makabagong Pag-asa ng Bayan

-  Kaukulan ng kabataan sa hinaharap

-  kanilang paniniwala

-  ano ang tunay na pag asa 


“Ikaw ang pag-asa namin”, “Ikaw ang mag-aahon sa atin sa kahirapan”, “Kayong mga bata ang magmamana ng mga responsibilidad”. Ilan lamang ito sa mga katagang paulit-ulit nang naririnig ng kabataan. Mga katagang nakadaragdag ng kaba sa dibdib, kabang dulot ng mga pasaning dadalhin sa pagdating ng mga panahon. Sino nga ba ang kabataan? Handa na ba sila sa ganitong responsibilidad? Ang mga kabataan ay isang malaking parte ng lipunan. Sila ang mas nararapat pagtuunan ng pansin, gabayan, at patnubayan upang maging handa sa mga haharaping hamon. Sila man din ay nakakaramdam ng bigat ng kanilang responsibilidad, ngunit mas pipiliing maging handa para rito. Bakit nga ba ang kabataan? Bakit sila ang tinaguriang pag-asa ng bayan? Sa pagpapalit ng henerasyon, kasabay nito ang pagtanda nila at pagsalo sa mga obligasyon. 

 

Lumalabas na sa sistema ngayon na sila ay sumusunod lamang sa mga yapak ng naunang henerasyon. Nag-iiba na ang prinsipyong nadadala sa mundong ito. May mga bagay na hindi na dapat pang dalhin at ipamana sa mga susunod na kabataan gaya na lamang ng “pressure” na ibinibigay sa mga henerasyong nakasunod sa kanila. Hindi ba’t mas nakakaantig pakinggan ang mga panghihikayat ng mga naunang henerasyon sa kabataan? Kaakibat nito ay ang paggabay nila upang maihanda ang mga kabataan sa tindi ng hamon ng buhay. Ang pag-asang iniaasa sa isang kabataan ay hindi lamang pumapatungkol sa pansariling pakinabang ngunit pati na rin sa pag-asa nitong bayan. Ang paghahanda ay hindi isang indibidwal na gawain. Ito ay kinakailangan ng gabay ng mga taong bihasa na at may kasanayan dito sa mundo. Ngunit hindi lamang ito laban ng mga taong gumagabay sa atin. Gayun na din ang ating kahandaang magsanay para sa ating hinaharap. Ang pag-asang kaakibat ng isang kabataan ay ang pag-asa ng buong bayan. Pagdating sa edukasyon, kalusugan, kaligtasan, pamumuno, at iba pa, tayong kabataan ang magmamana.

 

Bilang isang mamamayan, nararapat lamang na sa murang edad ay nakapag-aambag na tayo para sa ating lipunan. Ang pagsunod sa bawat karapatang-pantao ay isang malaking pagbabago sa ating henerasyon. Sa pagtagal ng panahon, ang ‘pressure’ na ibibigay natin sa iba ay huwag sanang magbigaytakot, ngunit magsilbing motibasyon upang galingan nila pagdating ng panahon. Huwag sanang maulit na iaasa na lamang sa iba ang kinabukasan, bagkus ito ay sama-samang mapagplanuhan. Ang paniniwala ay hindi lamang para sa pansariling kapakanan. Nararapat lamang na ito ay mabigyang-pansin at dapat nasa tamang daan. Nang sa gayon, mailagay sa isip ng bawat kabataan ang tamang daan tungo sa maayos at positibong kinabukasan.

Comments

Popular posts from this blog

Neolohismo: Ebolusyon ng WIka

Sa pagitan ng Labanan ng Bansa

Pagsasaling Wika